More Than A Date Actually, But A Series Of Ganap: My Bf Wanted Me To Meet His Family In Singapore! Game Naman Ako Kasi Mag Iisang Taon Na Din Kami

Tony Carmona


twitter thread from Tony Carmona




More than a date actually, but a series of ganap: My bf wanted me to meet his family in Singapore! Game naman ako kasi mag iisang taon na din kami. Sabi nya din mag attend daw kami ng wedding ng best friend nya, kasi ginawa daw sya best man…
https://twitter.com/daleeeeeeey/status/1625388626254376961
When we arrived at the airport nagtaka ako bakit may pa sundo ng flight stewardess?? Akala ko nag kamali lang si ate kasi FIRST CLASS FLIGHT DAW??? Sabi ko “Bakla, alam mo di natin to afford” sabi nya keri lang daw kasi parang kilala eme ng pamilya nya yung airlines…
Eh di GO! Ako pa ba hihindi?? Pero sabi ko sa kanya ang yaman mo pala babe tangina mo pag kumakain tayo sa jollibee nangunguha ka pa ng fries tangina mue! Tapos sa bakal gym sya nag wworkout… ano yun!? In his defence…
Sabi nya pera naman daw ng mga magulang nya yun, and they just live comfortably. Tangina eh yun naman parati sinasabi ng mga mayayaman! Che! ANYWAYS… Pag dating namin, the day after, nag paalam muna ako kay boyfie na makikipag meet ako sa classm8 ko b4, na close frenny ko…
Bongga ng house ng beshie ko infairness, pang mayaman talaga pero medyo gaudy and nouveau riche yung design ng bahay nila hahahaha CHAROT! While we were having dinner eh di shinare ko sa kanila na imemeet ko yung parents ni jowa. Tinanong nila kung sino daw baka kakilala nila..
Nung sinabi ko yung full name ni boyfie, napatigil lahat sila sa dining table. Sobrang yaman daw kasi talaga ng jowa ko. Syempre nervous laugh yung ate nyo…
Tapos nung sinabi ko pa na yung sinusuot ko yun na din yung susuotin ko when Ill meet his family that night. Tngina beh sabi nila mukha daw akong angpao 💀💀💀
So ayern pinahiram na lang ako ng beshie ko ng suit para epek daw pag umawra ako. Hinatid na dn nya ako sa bahay and HETO NAAA… ang hirap hanapin ng bahay nila sez! Parang nasa liblib na lugar! Buti na lang may nakita na kaming mga gwardiya sibil tapos pinapasok na kami…
TANGINA TALAGA ang laki ng bahay nya parang SM Aura charot. Tapos akala ko intimate gathering lang nag host pala ng party yung lola nya… SKL lang kung ano mga nangyare…
Nung na meet ko si mother of the haus sobrang kabado ako gurl nag beso beso pa ako. Pero alam ko lowkey yung nanay nya ayaw sakin :’( HETO PA! Napagkamalan kong lola nya yung nanny nya! HUHUHU tapos natapunan ko pa yung jowa ko ng winelaluu SHET lupa lamunin mo ko uhuhu…
Nafefeel ko talaga na pinag uusapan ako dun, tapos alam mo yung feeling lahat nakatitig sayo? Anyways inexplain sakin na nag host yung lola nya daw ng party kinemerut dahil namulaklak na daw yung mga sampaguita ni inay chz. Anyhow ayun…
Parang nagustuhan naman ako ng lola nya, cute daw ng ilong ko mukhang ma swerte. Tapos she offered me pa na turuan nya ako gumawa ng siomai. Anyways after that…
A few days after, pumunta kami ulit sa bahay ni boyfie, nung nag excuse para pumunta ng cr, sinundan pala ako ni mudra nya. Tapos andaming sinabi ni ateh yung point nya lang naman pala na I will never be enough daw akala ko sasampalin nya na ako that time or…
Akala ko sasabihan nya na ako na “Bigyan kitang sampung milyon, layuan mo ang anak ko!” Anyways after ng kinonfront nya ako syempre quiet na lang ako. Baka magka demandahan pa charot. Fast forward…
I think yung pinaka sad and depressing part siguro ng date-trip namin sa SG ni bf, is that nung reception ng kasal ng bestfriend nya. Tinawag ako ng mommy nya tapos pinakita sakin na nag sinungaling daw ako kasi buhay pa yung tatay ko!?
Sis parang primetime bida moment talaga. Sabi nila anak daw ako sa labas kaya dapat layuan ko yung jowa ko or else magiging malaking eskandalo.. at that point sana nag alok na lang sila ng sampung milyon inaccept ko pa tbh. Syempre crayola ako tapos…
Nag runaway effect ako ganern. Pumunta na lang akez sa bestfriend ko at nag patugtog ng bagong kanta ni Taylor Swift na All Too Well 10 minute version mga 9867 times at nag emote.
Hindi ako makakain besh, walang ligo, walang tulog, buti na lang dumating yung nanay ko para i explain ang lahat. Inencourage nya ako na kausapin yung jowa ko kasi sya pa nga nag pa fly sa kanya daw sa SG awuw may utang na loob pa pala ako chz.
Nung nag meet kami ng jowa ko sa HarbourFront todo explain yung bakla, tapos syempre nag apologize sya sa actions ng pamilya…. AT HETO PA! he got down on one knee and proposed! 🥹😲 syempre pakipot tayo sabi ko pag isipan ko muna…
Ang hindi nya alam, nakipag kita ako sa nanay nya para mag mahjong. Nagpatalo ako pero sinabi ko na nag propose sa akin ang anak nya. Sinabi ko 2 bagay naman ang pwedeng mangyari. Pipiliin ng anak nya na sa sumunod sa magulang nya pero he will hate them for it or iiwanan nya…
Ang pamilya nya para sa pag ibig. Pero nag prangka ako na tatanggihan ko ang proposal, pero sabi ko “Dadating ang araw na baka makahanap ang anak nyo ng pamilya nyo pero tandaan mo, na ang isang katulad ko ang dahilan kung bakit naging posible yun.”
Kinalaunan after nun, nasa plane na kami ng mom ko nang makita kong hinahabol kami pala ng jowa ko! Bigla sya nag speech and got down on one knee to propose again but this time using his mom’s engagement ring… signifying their family’s approval. Chz
Syempre I said yes! Tatanggi pa ba akong maging future heredera ng multibillion dollar empire!? Hayyyy and now we are so happy and in love 😍🥰❤️ (end of thread)

Leave a Reply

Your email address will not be published.